Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

Repleksyong Papel

       Ako bilang isang tao, ano nga ba ang naging saloobin ko matapos kong mabasa ang  Mensahe ng Butil ng Kape?
      Sa unang bahagi, tinawag ng ama ang anak upang saksihan ang pagpapakulo niya ng carrots, itlog ,at butil ng kape.Nasaksihan ng anak kong ano ang ibat-ibang nangyari.
      Sa una naisip ko minsan pala nagiging carrots ako sapagkat may mga pagkakataon na gusto ko ng sumuko sa mga problemang kinakaharap ko.Tanging ang taimtim na pagdarasal ko na lang sa Dyos ang nagpapalakas ng loob ko para magpakatatag.
      Pangalawa itlog,minsan nagiging itlog din ako sa kabila ng mga pangyayari. Sabi nila mabait daw aq naniniwala sila na mabuti ako, pero tao lang ako may damdamin din  para masaktan. Sa buhay ko naranasan ko ang tumulong at magbigay, yaong tipong kailangang magtipid ka, makatulong ka lang sa kanila pero balewala lang pala iyong mga itinutulong mo sa kanila. Nang dahil duon unti- uting naging bato ang  puso ko para sa kanila. Nasasabi ko na bahala na sila,ayaw ko na. At ang resulta  matagal ko sila bago mapatawad.
     Ngunit sa tatlo nabanggit, pinakagusto ko ang butil ng kape, Nakikita ko ang aking sarili dito. Tama na hindi ako dapat sumuko sa problema at mga pagsubok na dumarating sa buhay ko. Magpapakatatag ako para sa pamilya ko, tulad na lang nito pag-aaral ko, mahirap sapagkat may pamilya na ako. Mag-aasikaso ng mga anak, gawaing-bahay, at mag-aaral. Lahat kakayanin ko magpapakatatag para sa kanila. Kailangan makapagtapos ako ng pag-aaral upang magkaroon ng maayos na trabaho at makatulong ako sa aking butihing asawa sa pagtataguyod ng mga anak namin. Alam kong matutupad ito sa tyaga ko at tulong ng Puong maykapal.



Martes, Nobyembre 15, 2016

Ang Mensahe ng Butil ng Kape


Buod ng Kwento ng Butil ng Kape



Isang araw magkasama ang mag-ama sa pagbubukid, nang marinig ng ama ang pagmamaktol ng
kanyang anak sa tinatamasang  hirap at pagod sa pagbubungkal ng bukirin. Ayon sa anak hindi maka-
tarungan ang hirap na nararanasan niya, kaya't pagkauwi nila tinawag sya ng knyang ama sa may kusina.
    Naghanda ang ama ng tatlong palayok, nilagyan ng tubig at isinalang sa apoy hanggang sa kumulo.
Sa unang palayok inilagay ng ama ang carrots, itlog sa pangalawa at sa pangatlo nman ang butil ng kape. Pagkatapos tinanong niya ang anak, ano kaya ang posibleng mangyari sa carrots, itlog at butil ng kape? Pinatingnan ng ama sa anak kung ano ang nangyari. Nakita ng anak na lumambot ang carrots, nabuo ang itlog na naging matigas at natunaw ang butil ng kape na ngbigay ng lasa at kulay.
    Duon nagsimula magpaliwanag ang ama. Sinabi niya sa anak na ang carrots ay sumisimbolo sa kahinaan, ang itlog ay sumisimbolo sa pagiging may matigas n kalooban at ang butil ng kape nman ay sumisimbolo ng katatagan at pagiging positibo sa buhay. Dahil dito napagtanto ng anak na dapat magpakatatag sya at maging positibo sa buhay.