Martes, Nobyembre 15, 2016

Ang Mensahe ng Butil ng Kape


Buod ng Kwento ng Butil ng Kape



Isang araw magkasama ang mag-ama sa pagbubukid, nang marinig ng ama ang pagmamaktol ng
kanyang anak sa tinatamasang  hirap at pagod sa pagbubungkal ng bukirin. Ayon sa anak hindi maka-
tarungan ang hirap na nararanasan niya, kaya't pagkauwi nila tinawag sya ng knyang ama sa may kusina.
    Naghanda ang ama ng tatlong palayok, nilagyan ng tubig at isinalang sa apoy hanggang sa kumulo.
Sa unang palayok inilagay ng ama ang carrots, itlog sa pangalawa at sa pangatlo nman ang butil ng kape. Pagkatapos tinanong niya ang anak, ano kaya ang posibleng mangyari sa carrots, itlog at butil ng kape? Pinatingnan ng ama sa anak kung ano ang nangyari. Nakita ng anak na lumambot ang carrots, nabuo ang itlog na naging matigas at natunaw ang butil ng kape na ngbigay ng lasa at kulay.
    Duon nagsimula magpaliwanag ang ama. Sinabi niya sa anak na ang carrots ay sumisimbolo sa kahinaan, ang itlog ay sumisimbolo sa pagiging may matigas n kalooban at ang butil ng kape nman ay sumisimbolo ng katatagan at pagiging positibo sa buhay. Dahil dito napagtanto ng anak na dapat magpakatatag sya at maging positibo sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento